So ang napansin ko dito sa bahay kung nasan yung apartment ko ay parang linggo linggo may laging iba ibang kotse na naka park sa front yard. Minsan pag madaling araw may naririnig akong lumalabas ng bahay, tipong bang ng door muna bago yung gate. So, ewan ko, ang suspetsa ko yung mga neighbors ko laging nagbabago ng boyfriend. Hindi ko actually alam kung sino yung neighbors ko, particularly dahil hindi sila masyadong friendly, pero ok lang.

Kaninang hapon may napansin akong bagong kotse tapos yung driver lumabas, may dala dalang maliit na video camera tapos nagvivideo nung front yard. Some oldish guy, kalbo, bigote. Slight seedy looking. After a while may sumama sa kanya na dalawa pang mama, parehong oldish, muscular, big gold necklaces. Alam mo yung South Park episode na parody ng 300, si Mr(s). Garrison gustong isave yung lesbian bar kung saan sila tumatambay, tapos ni-recruit nya yung mga Mexicans na mag pose as Persians para ma-infiltrate yung club ng bumili nung lesbian bar… does it make sense? Basta ganon. Anyway tapos ganon yung itsura nung mga mama kanina: pomade in their hair, tight shirts, bling.

Tapos inisip ko, either yung mga kapitbahay kong Polish eh part ng mafia, o may gumagawa ng pr0n movie sa apartment sa baba.

Which reminds me of this one time nung unang linggo ko dito tapos hindi ko mapagana yung washing machine. Kinwento ko na ba to? Kumatok ako sa kapitbahay para magpatulong sana, pagbukas nung guy naka bathrobe lang at medyas. Tapos slight nagparinig ako na kelangan ko ng tulong. Ayaw pumalag. Ok fine. Pagsara nya ng pinto, narinig ko yung bass ng house music nag-on. Afternoon delight na yun.

Anyway. Shwanna share. Itatry ko kumuha ng pictures next time pag nakita ko ulit sila. Can you say, Disturbia?

This entry was posted on Sunday, October 5th, 2008 at 9.38.pm and is filed under Eire, Not that you're Interested in my Life. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.

Leave a Reply